Pandacan Transport Service MPC

Pandacan Transport Service MPC Official page of Pandacan Transport Service Multi-Purpose Cooperative as of 2024.

10/03/2026

WE ARE LOOKING FOR ‼️ _ D R I V E R S _‼️

📍QUALIFICATION
- Any Gender
- Must have a Professional Driver's License w/ (Restriction Code 2,3
or B1)
- Must be FIT TO WORK
- Can Work Under Pressure
- Honest and Trustworthy

📍OUR CONTACT DETAILS
You can use our official emails to submit your biodata or Resume
[email protected]
[email protected]

Or you can visit us at

#2944 lorenzo dela paz brgy. 839 pandacan manila and look for Ms. Deceree Cordial
BE PART OF PTSMPC! 🤝

10/03/2026
10/03/2026
Isang matagumpay at makabuluhan ang ginanap sa  ating pagdiriwang ng 38th Annual Regular General Assembly Meeting (ARGAM...
08/03/2026

Isang matagumpay at makabuluhan ang ginanap sa ating pagdiriwang ng 38th Annual Regular General Assembly Meeting (ARGAM)

Malugod po naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat kay Mr. Celino Y. Geronimo (Administrative Officer V) Office of Transport Cooperative (OTC), sa kanyang mahalagang pagdalo at pakikiisa sa pagdiriwang ng 38th Annual General Assembly ng Pandacan Transport Service Multi-Purpose Cooperative.
Ang inyong presensya at suporta ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa aming samahan upang higit pang pagbutihin ang aming serbisyo sa ating komunidad.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa PHILUSA CORP. at sa National Federation of Transport Cooperatives (NFTC) sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa aming kooperatiba. Ang inyong paggabay at pakikiisa ay malaking bahagi ng aming patuloy na paglago at tagumpay. Ganun din sa aming mga sponsors na walang sawang sumusporta sa lahat ng akitibidad ng pandacan Transport Service Multi-purpose Cooperative.

Higit sa lahat, taos-puso rin naming pinasasalamatan ang lahat ng miyembro, opisyal, at mga bumubuo ng Pandacan Transport Service Multi-Purpose Cooperative sa kanilang walang sawang dedikasyon, kooperasyon, at pagtitiwala sa ating samahan.

Ang pagtitipong ito ay hindi lamang paggunita sa ating mga nakamit sa nakaraang taon, kundi isang inspirasyon upang lalo pang pagtibayin ang ating pagkakaisa at sama-samang hangarin na mapaunlad ang ating samahan at mas mapabuti ang serbisyong ating inihahatid sa komunidad.

Ang tagumpay ng ating 38th Annual General Assembly ay patunay ng ating pagkakaisa at sama-samang hangarin na patuloy na umunlad ang ating kooperatiba.

Maraming salamat po at mabuhay ang Pandacan Transport Service Multi-Purpose Cooperative!

Isang taus-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot kina Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza, ...
03/03/2026

Isang taus-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot kina Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza, sa hanay ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Atty. Zona Rusette M. Tamayo CESO V (LTFRB-NCR) sa kanilang pakikiisa at pangunguna sa matagumpay na Ribbon Cutting Ceremony para sa Grand Launching ng limang (5) bagong PTMP Units ng Pandacan Transport ngayong ika-2 ng Marso 2026.

Ang inyong suporta at presensya ay malaking karangalan at inspirasyon sa aming kooperatiba upang higit pang pagbutihin ang aming serbisyo para sa mga mamamayan. Ang proyektong ito ay patunay ng ating sama-samang layunin na makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at modernong transportasyon para sa publiko.

Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at suporta sa Pandacan Transport Service Multi-Purpose Cooperative. Sama-sama po nating isulong ang mas progresibo at maayos na sistema ng transportasyon para sa Lungsod ng Maynila.




24/02/2026
NAGHAHANAP NG SASAKYAN FOR ☀️ SUMMER OR PERSONAL USE❓❓❓📍Ang PTSMPC ay tumatanggap po ng ARKILA na magiging kaagapay niny...
02/02/2026

NAGHAHANAP NG SASAKYAN FOR ☀️ SUMMER OR PERSONAL USE❓❓❓

📍Ang PTSMPC ay tumatanggap po ng ARKILA na magiging kaagapay ninyo sa inyong ligtas na Travel "Safe ka na, Convenient pa"

📍FOR INTERESTED/RESERVATION
Please contact Ms. Elizabeth: 0915-096-1873

📍LOCATION
2944 LORENZO DELA PAZ ST. PANDACAN, MANILA

03/12/2025

🎄 Taos-Pusong Pasasalamat sa ating Mahal na Yorme! 🎄

Lubos po ang aming pasasalamat kay YORME Isko Moreno Domagoso para sa maagang Pamaskong Handog na ibinahagi sa Pandacan Transport Service MPC. Tunay po itong nagbigay at saya sa bawat miyembro/empleyado ng aming kooperatiba. Sa panahon na maraming pinag-dadaanan ang bawat pamilya, napakalaking bagay po ng inyong malasakit at tulong na walang hinihinging kapalit.

Ang inyong patuloy na suporta sa aming samahan ay hindi lamang nakikita sa mga programang inyong ibinabahagi, kundi higit sa lahat ay sa tunay ninyong pagmamahal sa komunidad. Ang maagang biyayang ito ay magsisilbing alaala na hindi kami nakakalimutan at patuloy ninyong kasama sa inyong mga adhikain para sa mas maunlad at mas maayos na pamayanan.

Sa bawat miyembrong/empleyado na napasaya ninyo, sa bawat pamilyang nabigyan ninyo ng pag-asa, at sa bawat pusong naantig ng inyong kabutihan—mula sa amin dito sa Pandacan Transport Service MPC, isang mariin at taos-pusong MARAMING SALAMAT, YORME!

Nawa’y pagpalain pa kayo ng lakas, gabay, at karunungan upang magpatuloy sa paglilingkod. Maligayang Pasko sa inyong lahat at nawa’y maging masagana at makabuluhan ang darating na taon! 🎅✨🎁


Ngayong araw, inaalala natin ang tapang, malasakit, at hindi matatawarang pagmamahal sa bayan ni Andres Bonifacio, ang A...
30/11/2025

Ngayong araw, inaalala natin ang tapang, malasakit, at hindi matatawarang pagmamahal sa bayan ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Rebolusyon. Nawa’y magsilbi itong paalala na tayong lahat ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng pagbabago at kaunlaran sa ating komunidad.

Patuloy tayong maging matapang, makabayan, at makatao—hindi lamang sa salita, kundi sa ating araw-araw na gawa.



Address

2944 Lorenzo Dela Paz Street , Pandacan
Manila

Telephone

+639850671988

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pandacan Transport Service MPC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pandacan Transport Service MPC:

Share