20/04/2025
Lets educate yung mga renter na magtatanong kung magkano ang rent cost..
1. Van - 4k to 7k, depende sa layo ng destination. (Walang maayos na van na 2500. Meron pero bulok na)
Wag ka na magbalak ng "self drive". Ayaw namin ng rentangay, at ayaw namin ng palit-pyesa modus.
At ayaw namin na hindi ka magbabayad sa mga repairs ng gasgas, dents o damaged parts.
Budget meal nga lang ang hanap mo, tapos magpapagawa ka pa ng mga nasira. Tanga lang diba.
2. Gas - sa google map, choose kung saan ang destination mo. Click direction, tapos hanapin mo yung "edit stops". Tapos ipasok mo lahat ng mga pick ups, stop overs, tsaka lahat ng side trip na gusto mo. Makikita mo yung total distance na i-itravel nyo.
Then compute:
Total distance / 10km per liter = total gas to be used
Then,
Total gas X price of gas= total cost of gas
Ex: calamba to san juan, elyu - 659km
659km / 10km per liter = 65.9 liters
65.9liters x P58 (diesel) = P3822.2
Yan ang gastos mo sa gas. Okay?
3. Toll - naalala mo yung nakita mo na distance sa maps?
Ah check mo mga expressway na dadaanan, i-google mo din yung toll fee sa kada entry at exit.
Ex. Kung punta ka ng Elyu, at taga calamba ka:
Calamba to nlex - 280 (slex) + 264 (skyway)
Nlex to tarlac - 621 (nlex/sctex)
Tarlac to rosario - 311 ( tplex)
Total: P1476 x 2 (back and forth)
GRAND TOTAL - P2952
4. Driver fee - ito hindi pwedeng wala. 1k to 1.5k per day ito. Ako, personally, hindi ko ipapahawak sa iba ang van ko. Lalo kung dunung-dunungan lang ang magddrive. Iba ang handling ng kotse compared sa van na puno ng tao, and mabigat. Kaya NO sa mga selfdrive.
5. DRIVER MEALS AND ACCOMMODATION - ALL. CAPS PARA INTENSE!!
Pakainin mo ang driver mo. Sagot ng renter yan.
Need din ng MAAYOS NA TUTULUGAN. Sagot din ni renter yan.
Kailangan magpahinga at kumain para safe ang byahe.
Iiyak ka kapag bigla kayong iniwan ng driver dahil pabaya kayo. Sure ako dyan.
So kung magrerenta ka, 2025 model ng van, with driver, 2d1n, calamba to elyu:
10000 (van for 2days)
3822 (gas)
2952 (toll)
+ 3000 (driver)
---------
19,774 total
Yan ang estimate na gastos mo, hindi pa kasama pagkain at accommodation dyan.
Kaya WALANG budget meal sa rental. Bawal buraot sa rental.
MAGCOMPUTE KA NG SARILI MO PARA ALAM MO KUNG MAGKANO, PARA HINDI KA TANGA at hindi feeling overpriced ang offer sa iyo..
Makakaiwas ka din sa scammer na nagbibigay ng murang mura.
Kung wala kang pangbudget, manahimik sa bahay.