29/04/2026
๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐จ๐ง๐ ๐๐? ๐-๐๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐๐จ ๐๐๐ฒ ๐๐๐ ๐๐ก๐ข๐๐!
๐๐๐, ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ถ๐ฏ๐ด๐ข๐ฅ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ณ๐ฆ๐ฌ๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ฃ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ถ๐ฏ๐ข-๐ถ๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ โ๐๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐งโ ๐ง๐ฐ๐ณ๐ถ๐ฎ
Bilang bahagi ng ika-anim na buwan ng mga naisagawang hakbang ng pamunuan, nagkaroon ng programang โKuwentuhan with the LTO Chiefโ ang Land Transportation Office (LTO) na naglalayong magbigay ng malinaw at accessible na paliwanag sa publiko hinggil sa nga polisiya, reporma, at resulta ng operasyon ng ahensya. Tampok sa unang sesyon nang nasabing programa ang paglulunsad ng โI-Report Mo Kay LTO Chief,โ isang direktang sumbungan na nagbibigay sa publiko ng mabilis at madaling paraan upang mag-ulat ng reklamo, katiwalian, o concern sa pamamagitan ng website na www.ireportmokayltochief.ph at opisyal na page/messenger nito na I-Report Mo Kay LTO Chief. Ang inisyatibong ito ay kaayon ng 7-point priority agenda ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, partikular sa pagpapalakas ng transparency, accountability, at agarang pagtugon sa mga hinaing ng publiko.
Sa ilalim ng โI-Report Mo Kay LTO Chief,โ maaaring magsumite ang sinumang motorista o mamamayan ng kanilang ulat kaugnay ng operasyon, serbisyo, o kaugalian ng mga tauhan ng LTO, kabilang ang mga insidente ng road rage, mapanganib na pagmamaneho, at iba pang paglabag na naglalagay sa peligro sa kaligtasan sa kalsada. Ang mga matatanggap na sumbong ay agad na dadaan sa kaukulang beripikasyon upang matiyak na naaaksyunan ang bawat reklamo alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na reporma ng ahensya upang palakasin ang accountability at gawing mas bukas ang komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at publiko.
Hinihikayat ng LTO ang publiko na gamitin ang โI-Report Mo Kay LTO Chiefโ bilang isang responsableng paraan ng pakikilahok upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at mabisang sistema ng transportasyon sa bansa.