25/08/2022
Ingat po tayo sa pagbubukas ng klase
Mga scam at modus na operandi na iwas this face-to-face classes.
1. "Puwede po magtanong?"
- If may lumipat sa inyo para magtanong. Ibulsa agad ang hawak na phone at higpitan ang kapit sa bag. May mga snatcher na kunyari magtatanong sabay hablot.
2. "Pulis/Baranggay kami, sumama ka sa'min."
- May mga nagprepretend na pulis or tanod tas papasamahin ka. Please 'wag po kayong sasama.
3. White Van
- If pansin niyong may nagslo-slow down na sasakyan near you, please kumaripas po kayo ng takbo or pumasok kayo sa loob ng isang convenient store, grocery, mall or any establishments then hingi kayo tulong.
4. Riding-in-tandem
- If ever mahablot ang bag niyo, please bitawan niyo po agad or else makakaladkad kayo. As much as possible, sipain niyo po yung motor para matumba sila then run.
5. "Pa-abot naman po."
- If ever may nalaglag na barya or something sa jeep tas may nagpatulong dumampot, please hold your bag tightly kasi may tendency na hablutin nila yan pababa.
6. Gitgitan
- If may mga pumaligid or gumitgit sayo, yakapin mo agad yung bag mo sa harap tas isecure mo phone mo sa bulsa.
7. Tutok
- If ever matutukan ka, please wag na po pumalag. Mabigat ngunit may ibang totoohanan po at walang puso. Make sure magkakahiwalay ang lagayan ng pera. Emergency money sa sapatos, sa ID, sa pencil case, at iba pa yung pera sa wallet para hindi ka mazero ng magnanakaw.
8. Sabit sa Jeep
- Kapag may sumabit sa Jeep or umupo sa tabi mo sa backride ng tricycle, itagong mabuti ang phone.
9. Harmless magnanakaw
- Itapon po palayo sa kabilang direction ang bag kung may humablot sayo pero mag-isa lang yung magnanakaw, walang dalang gamit at hindi sobrang risky. Mas uunahin niya pong tumakbo kesa kunin yung bag mo.
10. "Te nalaglag po yung ano niyo oh."
- Kapag may dumaan sa inyo tas may tinuro sa likod niyo na nalaglag, may tendency na snatcher. Yung iba bubutasan pa yung bag mo. Make sure kabisado mo location ng wallet and phone mo.
11. "Taxi and Tricy."
- Message your friends and family sa plate number ng taxi and tricycle na sasakyan mo if ever. Yung iba kasi nagdidisguise na driver tas hind ka na makakababa.
12. Footbridge at Eskinita.
- Please uso po ang holdapan sa foot bridge lalo na pag gabi. Make sure marami kang kasabayan papasok o paakyat sa mga ganyan.
Credits to Zahary Corey.
Let's all stay safe!