08/04/2023
Long Drive Etiquette: Unspoken rule para sa mga masakripisyong driver ng NEBVOTC.😁
1. Ang playlist niya is TOP PRIORITY. Wag p**ielamanan yung play list niya mapa anime na upbeat man yan o The real slim shady. Siya ang DJ of the day. Kung gusto mo talaga ma play yung national anthem mong K POP, ask for permission politely. Saying please will work most of the time. Kung payag siya edi great! Pero kung ayaw niya, wag magreklamo dahil mas mahalagang masaya siya at hyped para di antukin lalo n pag pauwi na.
2. Hayaan mo siya mag concert sa sasakyan. Pagtyagaan mo kahit sintonado. Mas importante na gising siya kesa makatulog ka. For sure makakatulog ka din eventually sa haba ng byahe.
3. Wag mo pahinaan yung sounds niya. Yan nalang nagpapa gising sa kanya.
4. Libre niyo siya ng kape. Kailangan dumaloy ng caffeine sa systema niya. Kahit Iced coffee lang ng mcdo solve na yan. Pero kung mejo sosy si koya, magpa starbucks brewed ka na.
5. Wag ka ma weirdohan kapag kailangan niyo mag stop over para lang mag stretching siya na parang son goku. Ikaw ngang pasahero nangalay sa haba ng byahe, siya pa kaya?
6. Kung mag fu foodtrip kayo habang nasa byahe, p**i subuan naman siya ng chips kahit konti. Tao din siya na nagugutom.
7. Kahit di siya maka tingin sa camera habang umaandar, sama niyo siya sa groufie wag kayo kayo lang.
8. Kung wala kang lisensya, wag na wag mo siya tuturuan kung paano mag maneho.
9. Kung mas magaling ka pa kay Waze, ikaw mag drive.
10. After niya mag drive ng 12 hours, wag mo na asahang matalino padin siya. Ikaw nga natulog lang sa biyahe pero na-sabaw, siya pa kaya? Kayo na mag compute ng mga ambagan niyo.
11. (Pinaka importante) Don't forget to pray. Kahit safe driver siya, iba padin ang guided ni Lord.
12. Kung 2 oras kang late sa call time, wag yung pa ngiti2 ka lang. Antagal ka niya hinintay eh, magpa milk tea ka.
13. Wag mo harangan yung sideview mirror kaka selfie mo. Mag hintay ng Red stoplight o stop over. Mas mahalaga buhay niyo kesa sa selfie mo.
14. Iwasan yung “tignan mo to dali ang galing!”. Kung manghang mangha ka sa nakita mo sa facebook, solohin mo nalang muna. Naka focus mata niya sa kalsada. Wag ka magulo.
15. Ang rear view mirror ay hindi pang ayos sa kilay. Hindi makeup mirror yan.
16. Wag mo ibalibag yung pinto kung ayaw mong ikaw ang bumalibag.
17. Pag may tumawid at biglang nag preno, hindi kasalanan ng drayber yon, Wag siya yung sisihin mo. Yung a*o yung kalabanin mo.
Follow for more travel tips! 😁