30/09/2024
๐ฅ๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐๐ฎ๐ป, ๐ฝ๐๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ผ๐ป๐น๐ถ๐ป๐ฒ - ๐๐ง๐ข
MAAARING tumagal na lang ng lima hanggang sampung minuto ang transaksyon ng pagpapa-renew ng rehistro ng sasakyan gamit ang online portal ng Land Transportation Office (LTO) o ang Land Transportation Management System (LTMS).
Ini-anunsyo ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na simula ngayong araw ay maaari nang makapagpa-renew ng rehistro ng sasakyan nang hindi kailangang pumila sa mga district office ng ahensya at magagawa na ito kahit nasaan ng may-ari ng sasakyan bastaโt mayruong internet connection.
Ayon kay Tugade, kinakailangan lamang na mayruong account sa LTMS upang sa online portal na maisagawa ang transaksyon.
Gayunman, nilinaw ng LTO na kabilang sa mga maaaring makapagtransaksyon ng plain renewal ng rehistro ay ang mga mayruon nang rekord ng motor vehicle registration renewal gamit ang LTMS.
Kung wala pa sa LTMS ang detalye ng rehistro ng sasakyan, maaaring magtungo sa kahit saang LTO district office upang mismong ang mga tauhan na ng ahensya ang magtransaksyon sa online portal bagamat sa susunod na taon na magre-renew ng rehistro ay lalabas na ang detalye ng inyong sasakyan at pupuwede na ring gawing online ang pagpaparehistro.
Ipinaalala ni Tugade na bago ang transaksyon sa online ng pagpaparehistro ng sasakyan, kailangan munang kumuha ng Certificate of Coverage (COC) o insurance na pinili ng may-ari ng sasakyan; at naisalang na sa inspeksyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).
โBoth the validated insurance and the motor vehicle inspection report (MVIR) will be electronically sent to the LTMS,โ dagdag pa ni Tugade.
Sinabi ni Tugade na hindi kailangang tapusin lang ng isang araw ang proseso ng pagpaparehistro.
โIf your plate number ends with 3, you have the whole month to get your choice of insurance coverage, have your vehicle inspected in any PMVIC near you, and access the LTMS portal for the online renewal. Thereโs no need for vehicle owners to spend a whole day renewing the registration of their vehicles,โ paliwanag pa ni Tugade.