Novadeci Transport Cooperative

Novadeci Transport Cooperative Sa NOVADECI Transport Cooperative, safe ka. Tara na, Sakay na!

30/04/2026

ANUNSYO: UPDATE UKOL SA FUEL SUBSIDY (MASTER LIST RECONCILIATION)
Petsa: Abril 30, 2026

Sa ating mga minamahal na member-operators,

Nais naming ipabatid na ngayong araw, Abril 30, 2026, ay nakatanggap ang ating kooperatiba ng pinakabagong Master List mula sa LTFRB NCR para sa Fuel Subsidy.

Dahil dito, ang ating pamunuan ay kasalukuyang nagsasagawa ng masusing reconciliation o pagbabangga ng mga listahan. Ginagawa po natin ito upang:

Matukoy nang malinaw kung sino-sino sa ating mga operators ang may pondo na sa kanilang cards.

Maitala ang mga pangalan na wala pa sa listahan upang agad nating maireport at mailapit sa LTFRB.

Masiguro ang patas at maayos na distribusyon alinsunod sa kautusan ng ahensya.

PAALALA:

Hinihiling po namin ang inyong malawak na pang-unawa at kaunting pagtitiis (patience) habang tinatapos ang prosesong ito.

Ang pagiging maingat sa pag-verify ng listahan ay paraan natin upang maiwasan ang anumang pagkakamali o aberya sa inyong subsidy.

Muli kaming maglalabas ng pinal na abiso para sa schedule ng disbursement sa lalong madaling panahon.

Para sa mga katanungan, maaari po kayong mag-message sa ating Official FB Page o tumawag sa ating mga hotlines.
0917-703-8836 (GM Mark)
0915-4858-669 (Rowell)

Maraming salamat sa inyong patuloy na kooperasyon.

ANG PAMUNUAN
NOVADECI Transport Cooperative (NTC)

OFFICIAL ADVISORY: FUEL SUBSIDY DISBURSEMENTNais naming ipabatid sa lahat ng ating mga operators na simula ngayong lingg...
27/04/2026

OFFICIAL ADVISORY: FUEL SUBSIDY DISBURSEMENT
Nais naming ipabatid sa lahat ng ating mga operators na simula ngayong linggo ay available na para sa disbursement ang Fuel Subsidy mula sa pamahalaan. Ang tulong na ito ay inilaan bilang assistance sa public transport sector upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng diesel dahil sa gulo sa Middle East.

๐Ÿ“Œ MAHAHALAGANG PAALALA:

โœ… PARA SA MGA NASA MASTER LIST:
Ang mga kabilang sa official list ay aming aabisuhan/ite-text kung kailan ang inyong eksaktong schedule ng pagkuha ng subsidy. Mangyari lamang na maghintay ng kumpirmasyon bago pumunta sa opisina.

โš ๏ธ PARA SA MGA WALA SA LISTAHAN O MAY ISYU:
Kung kayo ay:

Hindi nakatanggap ng abiso o wala sa master list;

Walang pumasok na subsidy sa inyong Pantawid Pasada Card;

Maaari po kayong tumawag o mag-text sa numerong:
๐Ÿ“ž 0917-703-8836 (GM Mark) 0915-485-8669 (Rowell)
O mag-iwan ng mensahe (Direct Message/PM) dito sa ating Official FB Page.

๐Ÿ“ ANG ATING AKSYON:
Ang lahat ng inyong concerns ay aming itatala at idudulog sa pamunuan ng LTFRB upang mabigyan ng kaukulang linaw at solusyon.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

๐Ÿ“ข Good news, commuters!Mas abot-kaya na ang biyahe!๐Ÿ’ธ Minimum Fare: โ‚ฑ12.00๐ŸŽ“ Discounted Fare: โ‚ฑ9.00 (Student / PWD / Senio...
23/04/2026

๐Ÿ“ข Good news, commuters!
Mas abot-kaya na ang biyahe!

๐Ÿ’ธ Minimum Fare: โ‚ฑ12.00
๐ŸŽ“ Discounted Fare: โ‚ฑ9.00 (Student / PWD / Senior)

๐Ÿ›ฃ๏ธ Ruta: Malinta โ€“ Novaliches (Modern Jeep)

๐Ÿ—“๏ธ Available ang promo Monday to Friday only
๐ŸšŒ Hatid namin kayo sa ligtas at abot-kayang biyahe!

Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB
Department of Transportation - Philippines

๐Ÿ“ฃ Good day, mga Ka-NOVADEC TCI!Inaanyayahan ang lahat ng Members in Good Standing (MIGS) sa ating 5th General Assembly M...
23/04/2026

๐Ÿ“ฃ Good day, mga Ka-NOVADEC TCI!
Inaanyayahan ang lahat ng Members in Good Standing (MIGS) sa ating 5th General Assembly Meeting.

๐Ÿ—“ April 25, 2026 | โฐ 1:00 PM
๐Ÿ“ Novadeci Convention Center

๐Ÿ“Œ Paalala: Tanging ang mga MIGS lamang ang maaaring dumalo at makilahok.
Kita-kits po tayo!

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐˜๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜บ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎPanawagan sa lahat ng mga Transport Service Entities (TSEs) ng mga Traditional Publi...
22/04/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž
๐˜๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜บ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ

Panawagan sa lahat ng mga Transport Service Entities (TSEs) ng mga Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) na hindi pa nakapagsusumite ng kanilang listahan ng mga driver para sa Fuel Subsidy Program.

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatroy Board (LTFRB) ang mga nasabing TSES na sumunod sa itinakdang reporting requirement at isumite ang kumpletong listahan ng kanilang mga driver sa pamamagitan ng Excel file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon ng bawat driver:

- Name
- Date of Birth
- Plate Number
- Ruta

Maaaring ipadala ang nasabing listahan sa email address na [email protected]

Ang listahang ito ay mahalaga upang makapagbigay ang LTFRB ng kinakailangang tulong at suporta sa inyong mga driver. Dahil dito, ang agarang pagtupad sa nasabing kautusan ay lubos na hinihikayat.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.



๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž
๐˜๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜บ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ

Panawagan sa lahat ng mga Transport Service Entities (TSEs) ng mga Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) na hindi pa nakapagsusumite ng kanilang listahan ng mga driver para sa Fuel Subsidy Program.

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatroy Board (LTFRB) ang mga nasabing TSES na sumunod sa itinakdang reporting requirement at isumite ang kumpletong listahan ng kanilang mga driver sa pamamagitan ng Excel file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon ng bawat driver:

- Name
- Date of Birth
- Plate Number
- Case Number

Maaaring ipadala ang nasabing listahan sa email address na [email protected]

Ang listahang ito ay mahalaga upang makapagbigay ang LTFRB ng kinakailangang tulong at suporta sa inyong mga driver. Dahil dito, ang agarang pagtupad sa nasabing kautusan ay lubos na hinihikayat.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.



๐Ÿ“ข OFFICIAL ANNOUNCEMENTFiling of Candidacy for CY 2026Inaabisuhan ang lahat ng miyembro ng Novadeci Transport Cooperativ...
07/04/2026

๐Ÿ“ข OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Filing of Candidacy for CY 2026

Inaabisuhan ang lahat ng miyembro ng Novadeci Transport Cooperative na bukas na ang paghahain ng kandidatura para sa mga bakanteng posisyon sa darating na halalan.

๐Ÿ—“๏ธ April 7โ€“13, 2026
๐Ÿ“ NTC Office, Novadeci Convention Center

Ang lahat ng kwalipikadong miyembro ay hinihikayat na lumahok at maglingkod para sa ikauunlad ng ating kooperatiba.

๐ŸŽ‰ 5th General Assembly na!Sama-sama tayong muling nagtipon para sa mas matibay at mas maunlad na Novadeci Transport Coop...
02/04/2026

๐ŸŽ‰ 5th General Assembly na!
Sama-sama tayong muling nagtipon para sa mas matibay at mas maunlad na Novadeci Transport Cooperative!
Salamat sa inyong aktibong pakikilahok! ๐Ÿ’™๐Ÿš

MAHALAGANG ANUNSYO: UPDATE UKOL SA FUEL SUBSIDY 2026 Sa lahat ng ating mga minamahal na member-operators ng Novadeci Tra...
02/04/2026

MAHALAGANG ANUNSYO: UPDATE UKOL SA FUEL SUBSIDY 2026

Sa lahat ng ating mga minamahal na member-operators ng Novadeci Transport Cooperative

Ipinapaalam po namin na opisyal nang natanggap ng ating Kooperatiba ang pondo para sa fuel subsidy mula sa DOTr - LTFRB. Ito ay alinsunod sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang tulong sa sektor ng transportasyon sa gitna ng mataas na presyo ng krudo.

Alam po namin na ang lahat ay naghihintay na sa pamamahagi ng pondong ito. Upang masiguro ang maayos, tapat, at tamang distribusyon, narito po ang ating mga paalala:

1. Pag-verify sa mga Pantawid Pasada Card.
Ayon sa LTFRB, mayroong bahagi ng subsidy na direkta nang pumasok sa mga Pantawid Pasada Card ng ilang operators. Dahil magkakaiba ang halagang pumasok sa bawat account, kasalukuyan pang nakikipag-ugnayan ang Kooperatiba sa LTFRB upang makuha ang Official Master List of Claimants.

2. Pagkolekta ng Datos at Rekonsilyasyon.
Upang matukoy natin kung sino na ang nakatanggap at sino pa ang hindi, magsasagawa po ang Kooperatiba ng internal audit. Kukunin namin ang lista ng mga member-operators na mayroon Pantawid Pasada Card subalit walng pumasok na halaga (Php 5,000.00)

Pinakikiusapan ang lahat ng operators na WALANG PUMASOK NA SUBSIDY SA KANILANG PANTAWID PASADA CARD na sagutan ang ating Fuel Subsidy Status Form sa link na ito:
https://forms.gle/r78e76hc8sUakTjv8

3. Katapatan sa Pagbibigay ng Impormasyon.
Hinihiling po namin ang inyong katapatan sa pagsagot sa form. Ang lahat ng inyong ilalagay na impormasyon ay itatapat (cross-reference) sa official master list na ilalabas ng LTFRB.Ang pagbibigay ng tamang datos ay makakatulong upang mapabilis ang proseso at masiguro na ang pondo ay mapupunta sa mga hindi pa talaga nakakatanggap.

4. Iskedyul ng Distribusyon.
Ang aktwal na pamamahagi para sa mga wala pang natatanggap sa card ay magsisimula LAMANG kapag natapos na ang pagtutugma ng ating records at ng master list ng gobyerno. Ipo-post po namin ang detalyadong iskedyul at mga requirements sa mga susunod na araw.

Maraming salamat sa inyong pasensya at kooperasyon habang sinisiguro natin na ang bawat miyembro ay makakakuha ng tulong na nararapat para sa kanila. Para sa tuluy-tuloy na serbisyo at pagkakaisa,

-ANG BOARD OF DIRECTORS at MANAGEMENT
Novadeci Transport Cooperative

MGA OPERATORS NA WALANG PUMASOK NA SUBSIDY SA PATAWID PASADA CARD

DSWD Cash Aid para sa PUV Drivers, Masusundan Pa!Sa kaniyang panayam sa Kapihan ng Samahang Plaridel nitong Biyernes (Ma...
30/03/2026

DSWD Cash Aid para sa PUV Drivers, Masusundan Pa!

Sa kaniyang panayam sa Kapihan ng Samahang Plaridel nitong Biyernes (Marso 27), nilinaw ni DSWD Secretary REX Gatchalian sa media ang mga usapin tungkol sa isinasagawang cash relief assistance ng Kagawaran para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Binigyang-diin ng Kalihim na ang Php5,000 tulong-pinansyal mula sa DSWD ay hindi lamang isang beses ipagkakaloob sa mga drayber. Ito ay ipagpapatuloy at masusundan pa matapos mabigyan sa unang round ang lahat ng lehitimong drayber ng tricycle, TNVS, jeepney, delivery at motorcycle taxi sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Secretary Gatchalian na pagkatapos ng Mahal na Araw ay ilulunsad na ang special payout para sa mga drayber na hindi nakakuha ng cash aid sa unang round ng distribusyon, bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong walang maiiwanan sa gitna ng krisis.

โค๏ธ

๐Ÿšจ DRIVER KA PERO HINDI KA NAKAKUHA NG AYUDA? ๐Ÿ˜Ÿโ— TAPOS ANG OPERATOR MO AY NAKA-CONSOLIDATE SA NOVADECI?๐Ÿ‘€ Baka may hindi k...
26/03/2026

๐Ÿšจ DRIVER KA PERO HINDI KA NAKAKUHA NG AYUDA? ๐Ÿ˜Ÿ
โ— TAPOS ANG OPERATOR MO AY NAKA-CONSOLIDATE SA NOVADECI?

๐Ÿ‘€ Baka may hindi ka pa alamโ€ฆ

๐Ÿ“ข Magkakaroon ng SPECIAL PAYOUT!

Huwag palampasin ang pagkakataonโ€”
baka kabilang ka sa dapat makatanggap!

Mag-fill out sa Google Form na ito

โžก๏ธ https://forms.gle/3mb8MYzeiPRohsrL8 โฌ…๏ธ

๐Ÿšจ  ATTENTION OPERATORS!!! ๐Ÿšจ๐Ÿ“ข URGENT: PARA SA LAHAT NG OPERATORS NG NOVADECI TRANSPORT COOPERATIVE ๐Ÿ“ขUpang MABILIS nating ...
25/03/2026

๐Ÿšจ ATTENTION OPERATORS!!! ๐Ÿšจ

๐Ÿ“ข URGENT: PARA SA LAHAT NG OPERATORS NG NOVADECI TRANSPORT COOPERATIVE ๐Ÿ“ข

Upang MABILIS nating maproseso ang mga Government Subsidy para sa transport sector,
KAILANGAN po namin ang inyong AGARANG TUGON sa mga karagdagang impormasyon na hinihingi ng pamahalaan.

Para sa mabilis at maayos na koleksyon ng datos, gagamit tayo ng
๐Ÿ”— Google Form.
Mangyaring i-click ang link sa ibaba at sagutan ang lahat ng kinakailangang detalye:
โžก๏ธ https://forms.gle/Maj8Mh9baMeYMqk67 โฌ…๏ธ

โš ๏ธ PAALALA:
Mahalaga ang inyong AGARANG PAGSAGOT upang hindi maantala ang requirements at upang maibigay sa lalong madaling panahon ang nakalaang tulong para sa ating sektor.
๐Ÿ™ Maraming salamat sa inyong kooperasyon! ๐Ÿ™

Address

Buenamar Corner Sarmiento Street, Novaliches, Quezon City
Llano
1123

Telephone

+639177038836

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Novadeci Transport Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share