04/05/2026
May recruitment sa UP, puro call center company
𝗸𝗼𝗿𝗻𝗯𝗶𝗽.𝗷𝗽𝗲𝗴
Sa social media ngayon, usap-usapan ang salitang 𝐊𝐎𝐑𝐍𝐁𝐈𝐏, na ginagamit ng ilang netizens bilang bansag sa mga kabataang hayagang sumusuporta o naaakit sa mga makakaliwang grupo at mga tinutukoy na front organizations. Para sa marami, isa itong babala kaysa simpleng pang-aasar. Kaya madalas marinig ang linyang, “𝙊𝙮, 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙆𝙊𝙍𝙉𝘽𝙄𝙋 𝙠𝙖.”
Ayon sa ilang netizens, ginagamit ang salita upang paalalahanan ang kabataan na maging mapanuri sa mga grupong gumagamit umano ng mga isyung panlipunan, aktibismo, at makukulay na pangako upang makahikayat ng mga bagong kasapi. Sa una, maaaring magmukhang simpleng adbokasiya o volunteer work, ngunit kalaunan ay maaari umanong mauwi sa mas malalim na pagkakasangkot sa armadong kilusan.
Marami rin ang nasasaktan kapag tinatawag silang KORNBIP, lalo na ang mga simpatya sa NPA. Bakit? Dahil para sa iba, malapit ito sa katotohanan na ang pagsapi o pakikipag-ugnayan sa mga ganitong grupo ay may mabigat na kapalit. Marami ang kabataang nalinlang na kunwaring “researcher,” “community volunteer,” o “student organizer,” “Artist,” pero armado ay nadawit sa mapanganib na gawain.
Pinakamatinding babala ng ilan: kapag napasok ka sa ganitong mundo, hindi lang kinabukasan ang nalalagay sa alanganin—pati buhay mismo. May ilan na nasawi sa engkwentro, naaresto, o tuluyang naputol ang ugnayan sa pamilya.
Sa huli, ang mensahe ng mga netizen ay simple:
𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘢𝘵, 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘶𝘳𝘪, 𝘢𝘵 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨. 𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭, 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘶𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯—𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘩𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨.
𝐖𝐀𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐑𝐍𝐁𝐈𝐏.