01/01/2026
πππππππ ππππππππ:
Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula ngayong araw, Disyembre 23, 2025 hanggang Disyembre 25, 2025 at simula Disyembre 29, 2025 hanggang Enero 2, 2026.
Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.
Samantala, suspendido rin ang implementasyon ng number coding scheme sa Disyembre 29, 2025 at Enero 2, 2026. Alinsunod sa Memorandum Circular No. 111 ng Office of the President, walang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa nabanggit na mga araw upang mabigyan ng sapat na oras ang mga kawani na makapagdiwang ng Bagong Taon.
Saan man ang iyong destinasyon ngayong holiday season, laging tandaan: planuhing mabuti ang inyong biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.
Happy holidays!