07/05/2026
PAMPUBLIKONG PAALALA
Batid ng Ernest Logistics Corporation ang mga malisyoso at mapanlinlang na online post kaugnay ng aming hiring announcement.
Sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat, natukoy at naidokumento na ng kumpanya ang account ng indibidwal na sangkot.
Sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang disinformation at fake news, mahalagang maging maingat, mapanuri, at responsable sa mga impormasyong pinaniniwalaan at ipinapakalat. Hindi dapat hayaang gamitin ang social media upang manira, magpakalat ng kasinungalingan, o sadyang dungisan ang pangalan ng isang kumpanya at ng mga taong umaasa rito.
Iginagalang namin ang malayang pamamahayag at malayang pagpapahayag ng saloobin, ngunit hindi ito absolute. Hindi ito proteksyon para sa mga pahayag na mali, malisyoso, mapanira, at layuning makasira sa iba.
Gagawin ng Ernest Logistics Corporation ang nararapat na hakbang upang protektahan ang kumpanya, ang aming mga empleyado, at ang kabuhayan ng mga taong umaasa sa aming operasyon.