Sakay App

Sakay App πŸ›΅ SAKAY | Your trusted local mobility app
Making transportation easier, safer, and more accessible.
πŸ“ New Washington & Kalibo β†’ Aklan soon πŸ’™

10/08/2026

πŸ“’ Announcement from Sakay App

Sa lahat po ng naghihintay sa Sakay App, humihingi po kami ng pasensya kung medyo maaantala ang aming launch.

Batay sa pinakahuling anunsyo ng LTFRB, ang pagtanggap ng Letter of Intent para sa Motorcycle Taxi Platform Provider (MTPP) ay magsisimula, ngunit ayon din sa kanilang pahayag, wala munang tatanggapin na bagong MTPP dahil ang mga available na slots ay para lamang sa mga naunang nabigyan ng go signal ng Motorcycle Taxi Technical Working Group.

Dahil dito, kailangan muna naming hintayin ang mga susunod na memorandum at opisyal na update ng LTFRB upang malaman kung kailan magkakaroon ng pagkakataon ang mga bagong platform tulad ng Sakay App.

Ang magandang balita naman ay patuloy pa rin naming inaayos at pinapaganda ang sistema upang kapag nabigyan na kami ng pagkakataong makapag-operate, handa na kaming makapagbigay ng ligtas, maaasahan, at dekalidad na serbisyo.

Maraming salamat sa inyong suporta, pagtitiwala, at pang-unawa. Magbibigay kami agad ng update sa sandaling magkaroon ng bagong anunsyo mula sa LTFRB.

Konting hintay na lang. Sana ay mabigyan din ng pagkakataon ang mga bagong lokal na startup na makapaglingkod sa ating mga kababayan. πŸ’™

Address

Poblacion
New Washington
5610

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sakay App posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category